WAG NA LANG AKO
by Long hitz 397
( Rural South Compilation album )
Chorus ( Lady Hershey )
Dapat mong pigilan
hanggang magkaibigan
hindi nararapat na ako'y mahalin
wag mo nang ipilit
ang di na pwepwede
ayoko naman na ika'y masaktan
Verse ( Nasty One )
Bakit di ko man lang magawa na ikaw ay aking mahalin
lagi tayong mag-kasama ngunit hindi ko man lang kayang gawin
na ma inlove at patuloy na mahulog ang loob ko sa iyo
di ko nadama parang tanga naging manhid ang puso ko
hanggang sa nagtapat ka sakin nang iyong pagmamahal
bakit hindi ko masabi sayo na meron na akong ibang mahal
nilihim ko ang lahat sapagkat ayokong masaktan kita
ayokong sabihin mong pinaglaruan ko'y pinaasa kita
napaka hirap ng sitwasyon at patuloy sa pagpapanggap
ayokong sabihin sayo dahil alam kong di mo matatanggap
ayoko na umiwas ka at mas ayokong lumuha ka
kulang na lang humiling sa diyos na ang puso ko'y maging dalawa
patawad kung di ko naibigay ang pagmamahal na dapat sa iyo
ikaw sana minahal ko kung walang may ari ng puso ko
kung pwede ko lamang ibalik ang ating nakaraan
magsasama tayo nang masaya at magpakailanman
Chorus ( Lady Hershey )
Dapat mong pigilan
hanggang magkaibigan
hindi nararapat na ako'y mahalin
wag mo nang ipilit
ang di na pwepwede
ayoko naman na ika'y masaktan
Verse ( Weed One )
Masakit naman isipin na hindi kita pwedeng mahalin
at ang pag-ibig mo sa akin yan ay aking babaliwalain
dahil sa puso ko meron na ngang prinsesang nilalaman
na sa kanya inilaan ang pag-ibig at ito'y iniingatan
kaya wag ka nang umasa na tayo'y magkakasama
pagkat ang puso kong ito ay hindi mo matatamasa
hindi kita kayang mahalin at hindi kita kayang sambitin
dahil meron nang nagpapasaya sa puso ko't damdamin
kaya't sana naman ako ay tantanan at ika'y lumayo
dahil sa aming masayang relasyon ako ay nagtino
makakahanap ka pa nang iba upang sa kanya lumigaya
dun mo makikita ang wagas at tunay na ligaya
sa pag-ibig mo sa akin na pilit mong ibinabaling
pero ayaw kong lumuha yan ang nais kong iparating
kaya't bilang kaibigan hindi kita masasaktan
at ayokong ika'y umasa na tayo'y magmamahalan
Chorus ( Lady Hershey )
Dapat mong pigilan
hanggang magkaibigan
hindi nararapat na ako'y mahalin
wag mo nang ipilit
ang di na pwepwede
ayoko naman na ika'y masaktan
Verse ( Weed Man )
Humanap nang iba pwede ba wag na ako
dahil ayokong masaktan ang tulad ko sa piling mo
pagkat ako ay may pamilya at ayoko nang gulo
ako na mismo ang iiwas nang hindi na matukso
hanggang sa maramdaman mo na hindi tayo talo
sa iba nalang ibaling pag-ibig na totoo
dahil di karapat dapat na ako'y mahalin
ilihim mo na lang pangalan ko wag nang sambitin
isipin mo na lang ang ating pinagsamahan
ayoko tong sirain dahil sa ika'y aking kaibigan
gustohin ko man pero kailangan ko tong pigilan
ayokong dumating ang araw na ako'y iwanan
hanggang dito na lang pagitan sa isa't isa
masaya na rin ako at nakikita rin kita
sana'y di magbago simula nang iyong nalaman
na ang puso'y nakatali at meron nang nilalaman
sa iba mo na ituon ang oras wag na sa akin
masasayang lang lahat masasaktan ang iyong damdamin
wag mo akong sisisihin kung bat nagkaganto
hindi ko naman sinabi na ako'y ibigin mo
Chorus ( Lady Hershey ) x2
Dapat mong pigilan
hanggang magkaibigan
hindi nararapat na ako'y mahalin
wag mo nang ipilit
ang di na pwepwede
ayoko naman na ika'y masaktan
