MUSIKANG TAGLAY
by RUAHTIC
( Rural South Compilation Album )
Verse ( Moy Pledge )
kabilang kami sa mga makata at mahilig lang sumulat
ng mga temang may laman dekalidad ang pamagat
kum ba ga'y hi hindi na kami titigil sa pagbubuo ng mga tula
kahit anung gawin tuloy pasdin ang aming pagtugma
wala kaming pake alam sa mga nang ngungutstya sa amin
imbes na kami'y tirahin problema nyo'y atupagin
dahil walang mapapala gumawa ka na lamang ng sariling awitin
ung tipong mababaon ang utak mo sa sobrang lalim
dahil kami'y nagsusulat para hindi manghusga
pero ang hirap nito lagi na lang kinukumpara
sa mga tao na marurunong kesyo daw sila'y mahusay
pero ang tanong nasan ba ang pinagmamalaking taglay
pare pareho lang naman tayong namumuhay sa pinas
bakit gustong may maghari gusto ay maging batas
dito sa ating ginagalawan tinatawag na musika
bakit hindi magkasundo sana tayo ay magkaisa
Chorus: 2x ( Moy Pledge )
ito ang musika naming tinataglay
paghawak sa mekropono samin nagbibigay ng buhay
walang sino mang makakpigil pa sa amin
na ihayag aming gusto at isigaw aming damdamin
Verse: ( King )
wala akong pake sa ayaw man o gusto mo
basta't nandirito sandata ko'y mekropono
mag uhugin pipitsugin na ayaw padin sa akin
walang magagawa makinig na lang kayo sa amin
lumipas na ilang taon dumaan na ang panahon
hip hop community patuloy padin sa pag usbong
ang rapper society tuloy tuloy sa pagtindi
at hindi mabubura dito sa music indistry
mga pangalan na sumikat mga kanta senyong nanggulat
may iba't ibang mensahe bawat pananaw ay sasambulat
kaya ikaw ako mga kapatid kong musikero
sana tayo ay magka-isa rumespeto sa bawat tao
dahil tayo'y pare pareho baguhan veterano
iba't iba ang tono ngunit pagsulat ay pulido
magbigay pugay kamay sa mga kapatid kong musikero
na walang ibang hangad pakita lang aming talento
Chorus: 2x ( Moy Pledge )
ito ang musika naming tinataglay
paghawak sa mekropono samin nagbibigay ng buhay
walang sino mang makakpigil pa sa amin
na ihayag aming gusto at isigaw aming damdamin
Verse: ( J-Blood )
Napakarami nang mga tao na naririnde
sa mga awit na nilikha na hindi inintinde
narito mga pagsigaw sa isip namin nakahalaw
bakit hindi intindihin ang aming mga pagsaklaw
sa bawat letra at tugma na aming mga ginawa
bakit hindi mapalitan ng palakpakan sa gitna
lagi kaming binabangga ng mga taong hindi marunong
ang mahirap pa sa lahat puro panira at bulong
aming naririnig kaliwa't kanan likod at harapan
bakit hindi intindihin ang aming karapatan
ito ay musika sa atin mga bawat pilipino
bakit hindi maunawaan ang nasa loob ng isip ko
ang musika na aming mahal na pilit naming pinaglalaban
sanay intindihin ang bawat titik naming pinaghirapan
sana tayo'y maging isa dito sating bansa
itaguyod ang layunin ipamukha sa madla
Chorus: 2x ( Moy Pledge )
ito ang musika naming tinataglay
paghawak sa mekropono samin nagbibigay ng buhay
walang sino mang makakpigil pa sa amin
na ihayag aming gusto at isigaw aming damdamin
Verse: ( Jeff Killah )
ito ang aming hinanaing sa mga hindi sang ayon sa amin
sa lahat ng mga mapanlait sana'y mga rapper ay galangin
wag nyo naman kaming husgahan na ang hip hop ay trouble maker
hindi naman kami ganun at palagi kaming peace maker
ang hangad laang naman namin na kami ay magparami
upang mabuhay na muli at ang hip hop ay manatili
ang musikang kinahihiligan na inyong kinamumuhian
sa mga bumabatikos sana kami'y ay maunawaan
ang aming ginagawa ay pawang katotohanan
ang musikang ito'y nagsisilbi bilang sandalan
taos sa aming puso pag-isip nang bawat tema
at pawis at dugo ang alay sa bawat kanta
tapos sasabihin ng iba sa larangan na to kami'y basura
kalungkot naman isipin ganun tingin saming kultura
ang pustura nang mga banta sana naman ay makilala
ito ang bagong musika ang rap game ay makikilala
Chorus: 8x ( Moy Pledge )
ito ang musika naming tinataglay
paghawak sa mekropono samin nagbibigay ng buhay
walang sino mang makakpigil pa sa amin
na ihayag aming gusto at isigaw aming damdamin
