KAILAN KAYA KITA MAKIKITANG MULI
by Rural South Underground Artist
Chorus ( G’Hack )
Kelan kaya kita makikitang muli
Di mapakali pag-ibig ko sayo’y hindi masabi
Huli na ba ang lahat baka sakaling merong oras pa
Bago ka lumayo masabi ko sayong gusto kita
( baka may oras pa ) baka magbago pa ang isip mo
( baka may oras pa ) baka sakaling di ka lalayo
Ang pag-ibig kong ito kelan ma’y din a magbabago
Sanay mapadama’t maramdaman na tagalagang mahal kita
Verse ( Jinxone )
first time ng makilala ka halos ako ay nagtaka
hindi ko maintindihaan anu ba ang nadarama
sayo tingin ko'y parang meron bang iba /
nahulog yata ako dahil sa iyong mga mata
kasing kinang ng mga talang gusto ko na maabot /
kaso di ko magawa ramdam ko ako ay takot
kasi baka hindi ka maniwala na gusto kita
sa pagtalikod mo lagi ko na sinasabi na mahal kita
kaya dinadaan na lang / minsan sa mga
pabiro't mga patawa para di mo halata
lagi pag recess gusto ko na katabi kita
para naman sa malapitan ay makita ka /
lubos na kasiyahan kasi alam ko na nandyaan
ka masaya na apat na taon sa eskwelahan
pa meron pa akong chance para sa iyo'y masabi
kaso pag meron ng chance ayaw bumuka ng aking labi
kaso pag meron ng chance ayaw bumuka ng aking labi
Chorus ( G’Hack )
Kelan kaya kita makikitang muli
Di mapakali pag-ibig ko sayo’y hindi masabi
Huli na ba ang lahat baka sakaling merong oras pa
Bago ka lumayo masabi ko sayong gusto kita
( baka may oras pa ) baka magbago pa ang isip mo
( baka may oras pa ) baka sakaling di ka lalayo
Ang pag-ibig kong ito kelan ma’y din a magbabago
Sanay mapadama’t maramdaman na tagalagang mahal kita
Verse ( Jhackphat )
Ngayong ikalawang taon ayoko ng mag aksaya
Ng araw , oras, sandali, minuto at segundo pa
Para maipabatid sayo ang tunay kong hangarin na ang kaligayahan mo sana’y maging parte ng sakin
Kaya hinahanda sarili ko tuwing recess
Nagbabalak sabihin na sa tulad mo ako’y obsess
Ngunit bakit twing anjan ka di makapag salita
tapos na naman ang taon di mo man lang nahalata sayang
pero 3rd year iba na ating istorya
medyo malagong na ang boses matangkad na ang postura
malakas narin ang loob handa ko ng ipag tapat
sayo lahat lahat ng aking nararamdaman sa isang sulat
mamayang labasan dun sa canteen tayo magkikita
dibdib ko’y kabang kaba ( shit ) sulat kay mam ko naipasa
nawalan narin ng pag asa na masabi pa sayo
bakit sa dami ng mga puso akin pang nagging bato
Chorus ( G’Hack )
Kelan kaya kita makikitang muli
Di mapakali pag-ibig ko sayo’y hindi masabi
Huli na ba ang lahat baka sakaling merong oras pa
Bago ka lumayo masabi ko sayong gusto kita
( baka may oras pa ) baka magbago pa ang isip mo
( baka may oras pa ) baka sakaling di ka lalayo
Ang pag-ibig kong ito kelan ma’y din a magbabago
Sanay mapadama’t maramdaman na tagalagang mahal kita
Verse ( G’Tryzt )
umabot sa huling baytang ay di ko parin nasasabe
pagkakatao'y kalaban sa tunay na gustong mangyare
di na kita ka klase at napurnada pa mga ang plano
kahit sulyap ay di magawa dahil bintana ay laging sarado
hay,ano ba ang kulang para lamang matapos na
ang hirap na kayakap sa tuwing naiisip kita
lahat na ay ginawa,sumulat pa ng tula
pero pag iaabot na ay bigla ka nang nawawala
nilingon ang bawat taon,mga nasayang na panahon
linya ng buhay ay nabitak ng narinig ko nga yung
balita na ikaw ay aalis at lilipad na
patungo sa isang lugar na di tanaw sa aking bintana
pumatak ang luha nataranta di mapakali at pasigaw na
iniibig kita pero diko masabi na mahal kita
at dumating na ang kaorasan na labis kong kinakatakutan
hindi manlang nakapag paalam sarili sana ay ingatan
Bridge ( G’Hack )
Di ko lubos maisip na nauubos lang panahon na walang nangyayari
Ngayon ay lalayo ka na at hindi na masasabi
Na mahal kita na mahal
lalayo ka ng lubusan na hindi na masasabi
na mahal na mahal kita