Image and video hosting by TinyPic

ALAY KONG AWITIN PART II


Alay Kong Awitin Part II
by BD'Hustlasz ft. Jinxone & G-Huck
 ( Rural South Compilation album )

Verse ( G'tryzt )
Inaalay lahat ng aking nadarama
sa isang babae na nag ayos ng aking hulma
na dati ay magulo madalas ay sobrang lito
nang makilala ko sya lumambot ang puso kong bato
laking tuwa at pasasalamat dahil sya'y laging kasama
pag napapahiwalay sagad sa lupa ang lungkot na
bumabalot dumadampi sa aking buong katawan
sa pagmamahal nya hadlang ay kayang lampasan
ilang ulit man ang dumating libong kirot at mga hamon
hindi natitinag patuloy parin na umaahon
kaya't pakinggan at nilalaman nitong aking puso at damdamin
na ipapadaan ko sa tula at ginawang isang awitin
hamakin manalangi't ako'y hinding hindi bibitaw
sa kadilaman ika'y aking tanglaw sa pagmamahal mo'y ako'y uhaw
di naman ikaw ang tinakda sa buhay ko wag kang mawawala
ang mapapala kapag hindi ka kapiling parang panaginip naglaho't wala aking sinta

Chorus ( G-Huck )
Sana'y pakinggan ang awit na alay
Sana'y pagbigyan ang puso tanging sayo lamang

Verse ( G'Tryzt )
nagbago ang takobo nang ako ay naging tayo
ang dating pinapangarap ngayon kasama sa palasyo
ikaw ang tanging bisyo na hindi kayang pigilan
kaya ngayon nagtatanong lahat ng aking kaibigan
na ano ba ang meron kung ba't laging masaya
ang sagot ko lamang ay nakilala ko na sya
ang babaeng magpapangiti anytime bawat sandali
pagnakikita kana girl puso'y parang nagmamadali
ako'y tiyak sa bawat tibok im sure im inlove
someone gave me a gift and it came from the above
at ikaw na nga yon na matagal kong hiniling
at sana nga ikawang maging ina nang aking supling
di maipapangakong mabibigyan ka nang magandang buhay
walang alahas na magpapakislap sa iyong kamay
pero isa lang ang gagawin sana'y magustuhan mo
luluhod sa iyong harapan at ito'y maririnig mo " will you marry me "

Chorus ( G-Huck )
Sana'y pakinggan ang awit na alay
Sana'y pagbigyan ang puso tanging sayo lamang

Verse ( Jinxone )
Ilang beses ng sinabe na mahal kita
ding hindi na magbabago pakitandaan sinta
ikaw lang nagiisa walang iba aking hiling
na sanay di na to matapos, aking sasabihin
sa lahat kung gaano ba kita kamahal
at sagad na maipadama na di matatanggal
ang nararamdaman ko sa isang katulad mo
isang kantang handog na alay kong awitin para sa iyo
tangi kong pangako at malabo na mapako
na hindi ka iiwanan maalis ka saking puso
ay hindi yun mangyayari bakit? dahil nga
ikaw ang aking buhay kulay sa aking mga mata
siglang nagbibigay lakas kung bakit nabubuhay
sumpang patutunayan na taas pati kamay
hanggang huli'y kakapit di na ako bibitaw
makasama ka sa buhay yun gustong matanaw aking mahal

Chorus ( G-Huck )
Sana'y pakinggan ang awit na alay
Sana'y pagbigyan ang puso tanging sayo lamang