MAGHIHINTAY AKO
by G’Knife ft. G’Hack
Verse ( G’Knife )
hihintayin kita sakali na iwan ka niya
at nandito lang ako nagmamahal at umaasa
akin ding padadama pag-ibig mong di natamasa
bibigay ko ang lahat kahit lumabis at sumobra
at hindi pagpapalit na kahit na kanino pa
pagkat sa puso kong ito ay ikaw lamang talaga
nadarama ko rin sayo ay di na to mawawala
at ang tibok ng aking puro di na rin mag-iiba
na kahit dyan sa puso mo ay may mahal kapang iba
aantayin parin kita kahit pumuti aking mata
dahil sa damdamin ko ay di kana mabubura
na ang pag-ibig kong ito hindi lang puro salita
padarama ko rin sayo na ang pagmamahal na to
na iaalay sayo at galing to sa puso ko
sana ay magustuhan mo ang awitin kong ito
and i dedicated to para lamang sa iyo
Chorus: ( G’Hack )
hihintayin kita kahit san ka mag punta
kahit na ikaw ay aalis at lalayo na
at kahit anong mangyari nandito lang ako
at laging maghihintay na bumalik ka sa puso ko
Verse ( G’Knife )
iniisip kita mahal habang sinusulat ko to
hinahantay ko rin sayo na marinig ko iyong oo
kailan ko madadama mga halik mo at ang yakap
at sana naman mahal hindi ako hanggang pangarap
na sana sa balang araw ay ikaw na ang kasama
at pagmulat ng mata sana ikaw agad makita
at sana agad na nga na ito ay matupad
at pag ito ay natupad baka ako'y makalipad
dahil sa sobrang saya at kakaibang ligaya
na nakita ko sayo at sayo lang nadama
patutunayan ko sayo ang tunay na paghihintay
na ang pag-ibig kong ito'y mananatili habang buhay
mawala na ang lahat wag kalang aking mahal
maghahantay parin sayo kahit ito ay tumagal
basta't hindi ako susuko at sayo ay bibigay
dahil ako ay nangako na sayo'y mahihintay
Chorus: ( G’Hack )
hihintayin kita kahit san ka mag punta
kahit na ikaw ay aalis at lalayo na
at kahit anong mangyari nandito lang ako
at laging maghihintay na bumalik ka sa puso ko
Verse ( G’Knife )
kailan kaya lagi kong tinatanong
sinisigaw ng puro ko parang may binubulong
na may gusto sayong aminin at gusto sayong sabihin
na minamahal kita sana to ay pansinin
at ang iyong paningin sana sa akin ay ipaling
para mapansin mo rin ang puso kung humihiling
na ang puso kong ito ay ata't kang abutin
at ang katulad mong babae lubos kong mamahalin
dahil ang katulad mo ay aking hinahangad
na makasama habang buhay sana to ay matupad
gagawin ko ang lahat upang ikaw ay maabot
kahit pagitan mo sa akin mas mastaas pa sa langit
pipilitin ko parin kahit parang mahirap na
pero di ako susuko dahil sa mahal kita
maghihintay ako sayo pinapangako ko mahal
na ang buhay kong ito ay handa ring isugal
Bridge ( G’Hack )
lagi kang hahanapin at aking susulitin
na makita't makasama kita ah
at sana'y wag mong hahayaan at wag mong kakalimutan
nandito lang ang puso ko para sayo oh!
Chorus: ( G’Hack )
hihintayin kita kahit san ka mag punta
kahit na ikaw ay aalis at lalayo na
at kahit anong mangyari nandito lang ako
at laging maghihintay na bumalik ka sa puso ko
