MAHAL KITA WALANG IBA
by Rural South Underground Artist
Chorus: ( G’Hack )
Mahal Kita Walang Iba
Sana pakinggan mo ito aking sinta
Pangako ko hindi magbabago
Dahil aking mahal sayo lang ang puso ko
Verse ( G’Kinfe )
Simula nung una pa ay minahal agad kita
Hindi ko ito pinagisipan puso ko ang nagdikta
Kaya kumuha ng panulat at isang munting papel
Upang sayo ipagtapat ikaw lang ang aking anghel
Na gumagabay sa akin na nagsilbi kong bantay
Sa aking paglalakbay ikaw ang syang naging tulay
Kaya ang buhay ko ngayon ay nagkameron nang daan
Dahil sayo ko natutunan gumawa ng paraan
At kaya ko to sinulat ikaw lang ang dahilan
At sa puso ko mahal ikaw lang ang tanging laman
Maging sa diwa kong ito ikaw ang nagbigay liwanag
Ang pag-ibig ko sayo hindi ko maipaliwanag
Kaya’t lakas loob na lang na aaminin ko sinta
Na sa buhay kong ito ay tangi kang nag-iisa
At nais kong ipabatid at sa iyo ipaalam
Minamahal kita ng tunay yun lang ang aking alam
Chorus: ( G’Hack )
Mahal Kita Walang Iba
Sana pakinggan mo ito aking sinta
Pangako ko hindi magbabago
Dahil aking mahal sayo lang ang puso ko
Verse ( Kill Mhan )
Alam mo ba nung una pa meron nakong pagtingin
Hindi mo lang naman alam at hindi napapansin
Na ang maladyosa mong mukha ay nagsisilbing lakas
Na aking pag-ibig kalian man hinding hindi kukupas
Dahil napili ka nang aking pusong sawi
At sana’y hindi na to magbago at hindi magkamali
Ang pagsubok na ito’y magsisilbing gabay
at ang pagmamahal sayo ay aking iaalay
At hindi mapalagay kapag hindi ka nakikita
At hindi mapakali kapag hindi kita kasama
Sana’y ikaw ang sulusyon sa pusong nangungulila
At nasayang ang panahon nang ikaw ay nawala
Napatunayan ko ito na kailangan nga kita
At dapat mo itong malaman na mahal parin kita’t
hindi pababayaan at ika’y aking kailangan
Na hinulog ka sa akin at bigay ng kapalaran
Chorus: ( G’Hack )
Mahal Kita Walang Iba
Sana pakinggan mo ito aking sinta
Pangako ko hindi magbabago
Dahil aking mahal sayo lang ang puso ko
Verse ( Jhackphat )
Dalawang salita lang ang gusto ko sana sa iyong sabihin
Mahal kita dahil ang puso ko ikaw ang umalipin
At hindi na magbabago ang pagmamahal sayo
Dahil ikaw ang nagsilbing tala at araw ng buhay ko
Hindi ko na hinahangad ang kahit ano pang bagay
Makasama lang kita kahit maghirap habang buhay
Dahil ang tulad mo sa akin ay nagsilbing kayamanan
Ang pagluha ng mata mo yan ay aking iiwasan
Walang mananakit sayo hanggang ako ay nandito
Kapag meron kang problema mahal tawagin mo lang ako
Handa kitang ipagtanggol kahit saan kahit kanino
Lahat ay aking gagawin wag masaktan ang iyong anino
Hindi na kita bibitawan hindi na kita pababayaan
Yan ang tanging pangako na iyo nang mapapanghawakan ( aking mahal )
At sa tamang panahon na alukin ka nang kasal
Magsasama habang buhay tandaan aking mahal
Bridge: ( G’Hack )
Sana pakinggan ang awit na alay sayo
( sana pakinggan mo ito aking sinta )
Bigyan ng panahon na ibigin tulad mo
Chorus: ( G’Hack )
Mahal Kita Walang Iba
Sana pakinggan mo ito aking sinta
Pangako ko hindi magbabago
Dahil aking mahal sayo lang ang puso ko
