IKAW LANG
by Villa's Finest
( Rural South Compilation Album )
Verse ( Blitz )
akala ko talaga nung una ay hindi ka mapapasaakin
dahilan na rin sa katotohanang langit at lupa ang pagitan natin
kaya naman nang binigyan mo nang attensyon ang aking pagpapapansin
ay hindi na nagdalawang isipan na ang palad mo ay abutin
dahil ang marinig ko lang sa labi mo ang mala angel mong tinig
ay musika na sa aking tenga sa batong puso ko'y nagpapayanig
at ang bitawan ka kailanman ay hindi ko magagawa
ikaw ang pinakamagandang nilalang dito sa balat ng lupa
handa kong saluhin lahat nang hirap sa mundo makasama ka lang
ikaw ang babae na pinapangarap makita ko sa altar na may dalang
bulaklak na kulay puti simbolo ng ating pagmamahalan
kung ikaw ang na sa aking tabi ano mang yaman ay hindi ko kailangan
mahal na mahal kita yan ang itanim mo sa isip
kailan man ay di kita pababayaan di magtataksil kahit sa panaginip
at sa pag sapit nang dilim gusto ko'y mukha mo ang nakikita
di magsasawang titigan ka kahit abutin man nang umaga
Chorus ( Miss No Good )
ikaw ang syang sinisigaw ng puso ko pagmamahal ko
kahit kailan di magbabago
sana'y iyong pagkatandaan ikaw lamang ang mamahalin
ikaw lamang ang iibigin ko
Verse 2 ( Bhig Phupz )
simula nang makilala ka ay hindi ka na maalis sa aking isip
hanggang sa pag tulog ikaw ang aking panaginip
hindi ko mapigilan ang sabihin sayo ang aking nadarama
pagkat sayo ko lang naramdaman ang ganitong tuwa at saya
na sa simula saking pagtulog hanggang saking paggising
ikaw ang gusto kong makasama at aking makakapiling
pagkat ikaw lang ang babae na sa akin ay nagpapaligaya
at sa mundo ko na malungkot ikaw ang nagbibigay sigla
kaya ikaw ang syang pinapangarap na makakasama sa habang buhay
aking gagawin ang lahat wag lang ikaw sa akin ay mawalay
makikita saking mukha kung gaano ako kasaya
na kapag kasama ka napapawi lumbay na aking nadarama
at ngayon na alam mo na ang tunay na aking nadarama
sana'y bigyan mo naman ng pag-asa at mahalin mo rin ako sinta
dahil sa araw araw na ginawa ng sa atin ng may kapal
lagi kong pinapanalangin na sana satin samahan natin ay magtagal
Chorus ( Miss No Good )
ikaw ang syang sinisigaw ng puso ko pagmamahal ko
kahit kailan di magbabago
sana'y iyong pagkatandaan ikaw lamang ang mamahalin
ikaw lamang ang iibigin ko
Verse ( Jhackphat )
aking pagmamahal napatunayan ko na sayo sinta
walang ibang mamahalin ipagsisigawan na mahal na mahal kita
at napatunayan na ikaw ang makakasama habang buhay
dapat gumabay sa akin sa dilim mo pag-ibig na makulay
bumuo nang isang pamilya na ikaw ang magsisilbing ilaw
at sana'y wala ng katapusan kahit mundo man ay magunaw
kahit na sa kabilang buhay kung ako'y pagbibigyan
ng may kapal na muling mabuhay ikaw parin ang pupuntahan
ganyan kita ka mahal handa kong ibigay ang aking buhay
handa kitang bantayan hanggang bukang liwayway
bastat ikaw ang paglilingkuran handa kong ibigay ang lahat
makita ka lang tanggal ang lahat ng pagod ko at aking puyat
kahit na ano mang pagsubok na satin ilalaan
pinapangako ko sayo hawak kamay nating tong lalampasan
at sana'y wag nang bumitaw ang iyong mga kamay na nagbigay sigla
dahil ang mawala ang isang ikaw yan ang hindi ko makakaya
Chorus ( Miss No Good )
ikaw ang syang sinisigaw ng puso ko pagmamahal ko
kahit kailan di magbabago
sana'y iyong pagkatandaan ikaw lamang ang mamahalin
ikaw lamang ang iibigin ko
