Image and video hosting by TinyPic

PATAWARIN MO AKO


PATAWARIN MO AKO
by J.O.Y. with Various Rural South Underground Artist
( Rural South Compilation Album )

Verse ( Blitz of Villa's Finest )
pagpapatawad na hinihiling sanay mapagbigyan
mapatawad sa kasalanang aking pinagsisihan
handang palitan ang panyong laging tinatangisan
ang aking mga balikan na hindi man kalaparan
ngunit handang ilaan ang oras para matigilan
ang iyong pagtangis na bakit di ko matitigan
di ko ma amin sa sarili kung ako ang dahilan
masakit din para sakit tanggapin ang katotohanan
kung bakit ang pinakamamahal ko ay nagdurudsa
gagawin ko ang lahat muli kang lumigaya
matanaw ko lang muli mga biloy mo sa pisngi
susuyuin kang muli hanggang ika'y makatabi
mahagkan mahawakan ang kamay mong kay lambot
ang mawala ka sakin yan ang aking kinakatakot
sana lamang mapakinggan ang awit kong ito
at malaman ang totoo na ikaw ang gusto ko

Chorus  ( J.O.Y. )
bigyan mo ako ng panahon
na pag isipan ang hinihiling mo
sadyang kay hirap para sakin na ikay tangapin
dahil nga malubha pusong iniwan mo sakin

Verse ( Moy Pledge of RUAHTIC)
Marami nang kasalanan na aking nagawa sayo
sanay pakinggan mo ang awitin ko dahil ito'y para lamang sayo
hindi ko nmn sinadya na ika'y masaktan
pasensya na kung minsan ako ma'y nagkulang
sa mga ginawa na pagkakamali
makinig ka naman sana kahit sandali
dahil hindi ko kakayanin kung mawawala ka pa
dito sa puso ko ikaw ay nag-iisa
na babae na sadyang mahal
patawarin mo sana kung ako ma'y hangal
dahil lagi kong sinusuway ang gusto mo
pinapangako ko ikaw na ang amo
kaya muling tanggapin yan lang ang hiling
ang tamis nang pag-ibig ibalik natin




Chorus ( J.O.Y. )
sumagi ba sa isip mong di ganun kadali
ang patawarin ang katulad mong di lang atubili
na saktan ang tulad ko minsan bay naiisp mo
na kaylangan pa ng oras ng puso kong ito

Verse ( Bhig Phupz of Villa's Finest )
sa pag likha ko nang tula ay akin nang ilalahad
pag bigyan mo naman sana ang pag hingi ko nang patawad
sa lahat nang mga ginawa kong kasalanan
na hindi ko akalain na ika'y masasaktan
kaya sana naman ako ay patawarin
at ipagpatuloy ang pagmamahalan na nabitin
pagkat mahal na mahal kita yan ang totoo
wala nang iibigin ikaw lang ang gusto ko
sa huling pgkakataon ako'y iyong pagbigyan
pagkat ang puso ko sinisigaw ay ang iyong pangalan
kaya sana pakinggan mo ang awitin kong ito
na buong puso ko na inaalay sa iyo
at kung kinakailangan na ako'y lumuhod
ito'y aking gagawin na kusang loob
mapatunayan ko lang ang aking pagmamahal
ay hindi na magbabago kahit na maging hangal

Chorus ( J.O.Y. )
sinayang mo lang ang lahat
ng pagmamahal na inilaan ko sayo
sa mga panahon at oras na ako ay nagdurusa
nasaan ka ba? di ba nagpapakasaya ayoko na