Image and video hosting by TinyPic

PAGMAMAHALAN NATING DALAWA
by Rural South (OFFICIAL ARTIST)

Verse ( Alpha Chino )
kay hirap mang ibalik ang sa atin nagdaan
sanay muli mong pagbigyan ang awiting nilaan
dahil nga alam ko na kung minsay nagkamali
ang pagmamahal sayo sanay maibalik muli
alam ko na wala na rin ako sayong karapatan
dahil sa mga pasakit na sayo'y pinaramdam
kahit na alam ko na masakit man tong isipin
na sa puso mo palay meron ng umaangkin
halos hindi ko na masabi ang sayoy nadarama
na ikaw lang talaga ang sakiy mahalaga
kung pagbibiyan muli na ikaw ay maangkin
ay itutuwid ko lahat ng aking pagkakamali

Chorus ( G’Hack & BhabyBhoxs )
sanay muling mo pagbigyan puso kong nagdaramdam ( akoy nagdaramdam )
maibabalik pa naman ang ating pagmamahal ( ang ating pagmamahal )
sanay muling maibalik ang pagmamahalan nating dalawa

Verse ( Dhan’G )
aking mahal paano na ngayon ang ating pagmamahalan
kung palagi mo na lang pinapatungan ng dahilan
lahat lahat na lang sayo ay parang baliwala
ang salitang mahal mo ko sayong mata di halata
ang pagibig na kay init ngayon bila ng lumamig
wala na ring tungkol sating lumalabas sayong bibeg
unting uting nadadama na para lalayo ka na
pwede mo bang pagbigay kahit ilang sigundo pa
para sayo sabihin na kung gano ka kamahal
kahit na pagibig natin ay di na magtatagal
naging manhid ang puso ko para kang isang bula
ang kabanata natin ay bigla na lamang nawala

Chorus ( G’Hack & BhabyBhoxs )
sanay muling mo pagbigyan puso kong nagdaramdam ( akoy nagdaramdam )
maibabalik pa naman ang ating pagmamahal ( ang ating pagmamahal )
sanay muling maibalik ang pagmamahalan nating dalawa

Verse  ( Jinxone )
alam ko na mali ang mga nagawa ko
at di na mabilang ang luhang naipatak ng mata mo
sa lalaking di makayang bigyan ka ng halaga
pagdamot lahat sayo kita mo yun pati dama
kaya di mabilang ang araw na sinisisi ko
ang sarili sa pasakit sa sakit na dulot ko
bigyan man ng pagkakataong itama ang mali
ay di matatakpan kahit ilang halik man sa pisngi
ang hapdi at sigaw ng puso na nagdurugo
ang patawad para sa yo ay hindi pagbibiro
isang hiling na tinupad ng sinungaling na pagibig
kahit nasaktan ka na handa parin sakin umibig